Saturday, October 8, 2011

student orgs, may pakinabang nga ba?

Ano ang naitulong ng isang student society sa iyo?

Officer: Marami! na-enhance ko ang aking leadership skills, natuto akong makisalamuha sa kapwa.

Common member: Ewan ko po. Mukhang meron man din. Maganda yung T-shirt namin at mayroon akong mailagay sa yearbook
---
Naging kaugalian na ng pamantasan na sa bawat kurso ay magtayo ng samahan para sa kanila-kanilang kurso. At lahat ng mga mag-aaral ay automatic na miyembro. Ibig sabihin pagpasok mo pa lang sa unang araw ng klase ay miyembro ka na kahit di mo pa alam.

Kung susuriing mabuti ang mga adhikain ng mga student orgs na ito, mababasa mo malimit ang mga katagang "camarederie" at "prepare students to be become future ___". So ibig sabihin "enhance social life" at "academics". Sa akin marami talaga ang maitutulong ng isang organisasyon kung maayos ang pamamalakad at kung magaling ang paghalo ng mga activities para "academics" at "socialization". Kaso hindi ganun ang nangyayari. Ang mga student orgs ngayon ay may mga katangiang hindi akma sa layunin ng isang academic society.

Officer-centric at elitista - ang ibig sabihin ng officer-centric ay ang student development ay nakapalibot lamang sa mga officers. Shy officers. Shy taga-attend ng seminar, shy emcee, shy decorator, shy make-up artist. Siya ang lahat. Halos lahat ng mga gawain ay officer lang ang gumagawa. Ang camarederie ay nasa level ng officers. Di kasali ang common na member. Di kasali ang pinakamababang miyembro. Di ko pa naririnig na ang mga pinadala sa Baguio ay nag-reecho sa mga natutunan nila dun. Di ko pa naririnig na nagkaroon ng mga leadership seminars para sa mga kasapi matapos sumali sa Malyete. So pagkatapos ng isang taon ang na-develop ay mga officers lang. Walang diffusion of information.

Ang sintomas ng sakit na ito ay makikita sa mga common members na walang magawa at nag-iingay at nagrereklamo na lang sa tabi. Hindi ito leadership kundi isang uri ng elitismo. Students above the rest kumbaga. Magkakaroon ng mga leaders na gustong i-dominate ang mga kasaping "walang alam". "Bakit kasi ayaw nilang maging officer din?", sabi ng isang officer. Oo nga! Naimagine mo na ba kung isang daan ang presidente? Ang punto ay ang mga officers ay andyan para akayin, turuan, at tulungan ang mga "walang alam". Para lahat ng miyembro ay aangat din katulad ng mga officers.

Control freak - ang mga society ay naging kasangkapan para kontrolin ang mga kapwa estudyante. Ang kasanayang pangongolekta ng membership fee kahit bago mag-eenrol at pagpataw ng fines ay sintomas nito. Gusto magpakita ng pwersa sa ingay ng cheers. Paramihan sa parade, sa gym. Nahihiya kapag kukunti lang ang attendance.

Non-academic - ang mga academic societies ay hindi na academic. Ilang annual report na ba ang aking nabasa na ang laman ay panalo sa intrams, sa beauty contest, gasto sa acquaintance party dito, kickout doon. Paminsan-minsan Pasiklaban na lang ang agenda sa buong taon. Paminsan, mag-attend sa convention. Pag-uwi ang maremember lang ay ang chocolate hills o bulaklak sa Baguio o beach sa Dakak.

Ang mga pangarap ko sa mga organisasyong ito ay maging inclusive, academic, open and optional.

Inclusive - gusto kong makita na kung ano ang alam ng officers ay gayon din ang alam ng mga members. Patas na paglago sa kaisipan. Isang pangkat ng officers na madalas nakikipagsalamuha sa mga abang miyembro. Inaalam ang problema at pinaparating sa kina-uukulan. Interactive kumbaga.

Academic - tunay na academic. Gusto kong makita ang isang org na ang mga activities ay ukol sa propesyon. Pinag-uusapan ang mga career trends at  opportunities. Gumagawa ng mga activities na mapalinang pa lalo ang mga kakayahan (skills training) hindi hazing lang ang inatupag. Mga exhibition at symposium ng mga designs at research outputs. Pagpapa-igting ng mga tutorial classes. Di problema ang socialization pero gawin ito sa academic context. Pwede namang magtayo na lang ng Engineering Pasiklaban Club (ePC) kung Pasiklaban lang ang hanap (I'm not kidding, mind you) .

Optional - gusto ko ring makita na ang mga organisasyon ay maging optional ang membership. Bigyan ng karapatan ang mga mag-aaral na pumili ng kanyang lalahukang organisasyon. Hindi automatic. Kung sa tingin ng isang estudyante ay wala siyang mapapala sa isang org ay may karapatan siyang huwag sasali. Akin ring minumungkahi na hayaang bumuo ng mga sariling organisasyon ang mga mag-aaral at bahala silang mamili sa mga ito. Kagaya ng ACES at PICE na nag-uunahan sa pagkuha ng mga miyembro sa UPD civil engg students, kagaya ng SAGES at PSAE sa USeP at MSU. Kung ano ang org na may pinakamaraming miyembro ay nangahulugang maganda ang kanilang serbisyo.

Open - Maari ding sumali ang mga AE sa CSS at vice versa. pwedeng maging miyembro ang isang CE sa ACCESS at vice versa. Sa paraang ito maaring makakuha ng skills training ang isang AE ukol sa electronics kung makisali siya sa JIECEP. Mga ECE students na sumali sa PBG society or di kaya sa Nursing Society para may alam sila sa biomedical engineering o bioinformatics. Di naman kailangan maging full member. Kahit associate membership lang. Sa paraan ding ito ay matutunan din ng isang mag-aaral ang teamwork na siyang uso sa buhay labas sa pamantasan.

---
Ano ang naitulong ng isang student society sa iyo?

Officer: Marami! na-enhance ko ang aking leadership skills, natuto akong makisalamuha sa kapwa, at higit sa lahat naging bihasa ako sa aking propesyon.

Common member: Ako rin.

(kung sa tingin mo kaisa ka sa adhikaing ito, ipalaganap mo)

3 comments:

  1. sa totoo lang, karamihan sa org wala namang pakinabang, walang naitutulong sa mga student kundi minsan pahirap pa, sana mai-screen ng maayos ang mga organization, sobrang dami na nga hindi naman lahat quality.

    ReplyDelete
  2. gusto mo maging writer ng mintech???? may sense ang sinusulat mo tol..

    ReplyDelete
  3. Great and that i have a super proposal: How Much Is House Renovation Loan In Pag Ibig hgtv home improvement

    ReplyDelete