Maliit pa lang ako nang una kong narinig ang MIT o USM sa tatay ko. Ang aking kapatid na babae ay ipinangalan niya sa founder ng MIT. Kung pag-aaral ang pag-uusapan, malaki talaga ang paghanga niya sa institusyon na ito. Lumaki sa bulubunduking bahagi ng Cotabato ang tatay ko. At ang makapag-aral sa isang pamantasan ay sadyang napakalaking karangalan na. Well, hindi naman talagang nakapagtapos sa USM-Kabacan ang tatay ko. Ang aking ama ay nakapagtapos ng high school sa Arakan Valley Agricultural School (AVAS) bilang isa sa mga pioneer na mga estudyante. Maraming mga kwento ang aking ama sa mga karanasan niya sa MIT o at least sa AVAS. Masasabi mong walang sinabi ang UP kung makapagsalita siya. May panahon daw kasi na naipadala daw siya sa UPLB para sa FFP convention at marami daw silang napanalunan. Masaya daw ang kanilang high school life noon at magagaling ang mga guro kagaya nila Dr. Teofilo Dela Cruz, Dr. Ramon Damag, at Mr. Rapisura.
Hindi man niya sabihin, parang sinasabi na niya na ako ay mag-aaral din sa USM. Upang maikasatuparan ang kanyang binabalak (buti naman at di maitim), paminsan-minsan ay pinapasyal nya ako sa USM campus kung makapagbakasyon kami sa Cotabato. Naninirahan kami sa Panabo at halos buong araw ang biyahe noon mula Davao hanggang Carmen. Maraming stopover: bibingka sa Digos, prutas sa Makilala, yung estatwa ng pulis na may kalong na batang patay sa Kidapawan, ang gasolinahan sa Matalam, ang alas punong paghihintay ng jeep sa may Kabacan, ang pagsakay ng ferry sa may Lumayong. Halos bawat taun-taon ay nagbabakasyon kami sa Carmen (diretso Valencia Bukidnon ikot sa Buda, sa Davao). Sa bawat paglalakbay na ito, hindi talaga mawawala ang kwentong AVAS at MIT habang nasa daan pa kami. At sa siwang ng bintana ng jeep, sa pagitan ng mga binting nakabitin (nasa topload kasi yung iba) ay di talagang makaligtaang ituro at ipagmamayabang ang USM sa hitsura ng isang mosque (IMEAS). Sa murang isipan ko ay nakakatak na ang kakaibang pamantasan na ito.
Minsang nadalaw kami sa aking tiyuhin sa may Guiang, hiniram ng tatay ko ang bisikleta ni Uncle Tax. Angkas ako, kami ay nag-Tour de USM. Hindi ko malimutan na para akong na-stiff-neck sa kakatingala sa mga naglalakihang building habang naninigas na ang ilong ko sa alikabok. Naituro nya ang Old admin (CBDEM na ngayon), post office, student body building, gym, kadiwa, amphitheater, aringay river. Hanggang sa pugot na monumento ni Magsaysay. Kwento pa niya, nagmumulto daw ang rebultong yaon sabay kakaripas sa pagpapatakbo ng bisikleta (pang horror effect). Kahirap kaya kung nakaback-ride ka sa bako-bako at maalikabok na daan. Itinuro din niya ang CHEFS, women's dorm (sabay ngiti) at nagpahinga saglit sa harap ng presidential cottage. Ang landmark talaga na nakatatak sa mura kong pag-iisip ay ang matayog na tower ng scouting. Iwan ko rin, manghang-mangha talaga ako sa tower na yon to think na di pala ganun kataas yun!
Sinabotahe talaga siguro ako ng tatay ko dahil kahit ang pagkuha ng UP entrance ay hindi siya pumayag. Sa madaling sabi, ako ay mag-aaral na sa USM. Wala pa akong napupusuang kurso. Pero ang ama ko gusto niya akong kumuha ng BSA Plant Pathology. Kasi nga naipangalan ako sa isang American agriculturist ng TADECO na naging kaibigan ng tatay ko habang nagsisikyu siya doon. Pero pinirata ako ng aking tiyuhin sa agricultural engineering. And the rest is history.
Magandang araw, ako rin man ay laking USM. Dito ako nag-aral nang aking elementarya (USM Annex Elementary School), highschool (University Laboratory School-Science Curriculum), college (College of Nursing na College of Health Sciences na sa ngayon), at sa kasalukuyan ay dito narin ako nagtratrabaho bilang isang guro. Ang USM ay naging malaking parte na nang buhay ko at malaki ang aking pasasalamat dahil pati ang aking mga magulang ay mga empleyado ng unibersidad na ito.
ReplyDeleteSalamat USM, nagbigay ka ng kulay at malaking tulong sa buhay ko.
Maraming Salamat, USM. Ikaw ang nagbigay liwanag sa aking Landas. Habang buhay kong tatanawin na utang na loob sa iyo Inang USM ang aking natatamasa ngayon. Mula estudyante sa college (Pioneering Batch of BPE-SPE) ng ISPEAR hanggang naging University Instructor.
ReplyDeleteWow...USMian ako.
Ako ay pamilyar sa USM. Dito noon nag aaral ang aking panganay na kapaitd sa kursong Veterenary Medicine. Naikot ko na din ang capus ng USM dahil kasama ako noon nag hanap ng boarding house ang kuya ko. Marami na din akong nakilala na nagtapos dito sa Universidad karamihan nga ay mga Doc. Of Veterenarian na sila.
ReplyDeleteMaraming salamat USM, anlapit na matupad pangarap ko. Sana makapagtrabaho ako dito..
ReplyDeleteUSM, isang prestihiyosong Paaralan sa katimugang Mindanao. Ang institusyong tinitingala ng karamihan dahil sa dekalidad na edukasyong kayang ialok neto. Ako ay isang produkto rin ng nasabing paaralang ito. Mula elementarya hanggang sa ako ay magkaron ng pagkakataong maging parte neto. Ang institusyong ito ay siyang naging daan para maging isa ako sa mga kawani ng gobyerno na nagbibigay ng de kalibreng serbisyo.
ReplyDelete#TATAKUSM#GREATUSM
#GreatUSM
ReplyDeleteI am a true hot-bloodied USMian. Almost half of life had spent here from being a student to becoming one of the veteran PE instructor in the University. I am a living witness of how my Alma Mater grew of what it is today. And I am confident that USM will continue to grow and will continue to serve students all over Mindanao.
ReplyDeleteTruely USM changes lives. Proud USMian! Dito ko talaga na developed lahat ng skills ko sa sayaw at paglalaro na ngayon ay naituturo ko sa mga nagiging srudyante ko ♥️
ReplyDeleteDahil sayo USM, nakilala ko ang aking guardian na tumayo bilang mga magulang ko hanggang sa akoy naka pag tapos ng pag aaral. hindi madali ang buhay ko nung nag aaral ako, walang kain sa umaga, pagod sa gabi sa dami ng activities at pag uwi sa bahay gagampanan ko na naman ang aking tungkulin bilang isang working student. proud ako sayo USM dahil madami kang naka tagong kwento ng bawat studyante upang matapos lang ang kursong kinuha nila. ngayon, isa na ako sa mga guro ng unibersidad na ito. Kaya hanggang sa huli, proud ako sayo USM dahil isa ako sa naging produkto mo na kahit walang wala ako sa buhay, binigyan moko ng rason para magpatuloy kasi di mo naman sinabi na magsasama ulit tayo pagka graduate ko. Shoutout din sa guardina ko na si Ma'am JOY GLORIA P. SABUTAN, maraming salamat ma'am joy. isa ka sa pinaka magaling na guro sa USM at sa buhay, ikaw talaga ang nagturo sa akin upang magpatuloy despite sa hirap ng buhay ko nuon. Alagaan ko po ang mga alaala ko sa USM at magiging inspirasyon ako sa mga studyante na dati nangarap lang pero ng dahil sayo USM, may sweldo na ako ngayon. hahahahah iloveyou usm
ReplyDelete