Maraming nagtatanong: Ano ang mga paraan para mag-top sa board?
Simple lang ang sagot: basketball
Ang paghahanda para sa board exam ay parang larong basketball. Meron ka ring "ring" at ang pakay mo ay ma-ibuslo ang bola mo sa ring na yun. Ngunit sa laro nating ito, ikaw lang ang naglalaro kalaban ang limang players. Paano ka manalo sa larong ito? Ito ang mga basic tips:
Know where is your ring. Marami sa mga mag-aaral ang hindi alam ang kanilang "ring". Sa dami ng distraction sa buhay estudyante, maraming hindi alam kung ano ang tunay na ring para sa kanila. Naglalaro kayo at nang makita mo ang ring sa kabilang court na walang nagbabantay ay tumakbo ka doon at doon mo shi-noot ang bola.
Ito yung mga estudyanteng gusto lang ang marangyang buhay. Ayaw magpursige. Gusto lahat madali. Inom dito, inom doon. Tsiks dito, tsiks doon. Ayaw magpawis. Mangongopya lang ng assignment, magkodigo lang. Kung ano lang ang lecture, yun lang din ang alam. Di nag-iisip. Walang initiative na matuto. Pagmahirap na ang subject, nawala na ng gana. Kaya nang nakita na ang limang guwardiya, tumalikod at pumunta sa kabilang ring.
The points is determined by the ring not by the court. Meron namang ang gusto lang ay maglaro lang sa bola. Heto at nagpupursige makipag-dribble, ikot-ikot sa court, lahat ng exhibition gawin. Masaya ang mga fans at cheerleaders. Ang galing mong maghandle ng bola bro! Sarap pakinggan di ba? Pero wala ka pang points hangga't hindi mo tinapon ang bola sa ring.
Ito yung mga mag-aaral na busy sa mga extra-curricular activities. Ito yung mga estudyanteng walang takot humarap sa mga challenges ng buhay. Student leaders. Sa student government man, sa sports, etc. Maganda ngang pakinggan kung marami kang kaibigan, pumalakpak sayo. Ika nga kung "balance" ang buhay mo. It adds spice to your life. Life is so boring daw without it. Ngunit ang hindi mo napagtanto ay kung lagpak ka sa board, lahat na ito ay mawawala. Manliliit ka sa sarili mo. At marami ang makakalimot sa lahat ng ginawa mo.
Hindi ko sinabing huwag kang mag-extra-kuri-kuri. Kasi kailangan mo ring magdribble. Pero dapat alam mo kung kailangan mong i-shoot ang bola. Kung magtatagal ka sa pagdi-dribble, merong tinatawag na 3 seconds, 10 seconds at 24 seconds violation. Huwag nang magpasikat! Shoot that ball!
Review early, feel the board exam early. Sabi ko maraming mga violations kung magtatagal ka sa court kaya dapat agahan ang desisyong i-shoot ang ball. Dapat mo ring malaman na habang papalapit ka sa hoop, palaki ng palaki din ang guwardiya. At lalong kang mahihirapang i-shoot ang ball. Kaya kung kaya mong i-shoot ang ball sa 3-point line, gawin mo na. Maraming nagsasabi ng mas madali ang lay-up kesa long range shot, pero sa laro nating ito, ikaw lang mag-isa. At sa court na ito kalaban mo ay lima.
May limang guwardiya yan. Limang taon din ang pag-aaral mo (kung engineering ka). Dapat alam mo ang bawat galaw ng mga kalaban mo. Hindi dahil nalampasan mo ang mga guards ay kalimutan mo na sila at sa center ka na mag-concentrate. Pwede pa ring nasa likod mo ang mga bulilit na gwardiya na pwedeng agawin ang bola mula sa iyo. Ito yung sitwasyong bumagsak ka dahil nalimutan mo ang algebra. Kaya dapat alam mo ang galaw at estilo ng bawat guwardiya. Malay mo ang consti at engineering laws and standards lang pala ang makatulong sayo pagdating sa board.
Habang maaga, paghandaan mo ang laro mo. Pag-aralan ang liksi, bilis, at estilo ng mga guwardiya bago pa kayo maglaro. Huwag mong hintayin na sa review ka na mag-aral kung saan malapit na sa ring. Kasi sa pagkakataong ito, sisiguruhin ko sa iyo na sampung palad ang susupalpal sa lay-up mo.
Always aim higher than the ring. Basic law ng physics yan. Sa projectile motion. Kung gusto mong swak ang shot, ang angle of release mo ay dapat mas mataas kesa hoop. So kung gusto mong pumasa, dapat top 10 ang aim mo. Kung gusto mong mag-top, dapat "perfect the board" ang aim mo. Well, kung ang aim mo lang ay makapasa, huwag ka nang umasa.
A Latin proverb some it all: Amat Victoria Curam (Victory loves preparation)
No comments:
Post a Comment