(this the the fifth and last article of the board exam series: Tip to top; It's a team play; bored teachers; administravision)
Sa isang tagayan:
Alumni: Nakakahiya ka student, dinungisan mo ang record ng skul natin bakit ka bumagsak sa board?
Parent: oo nga eh, sayang ang ginastos ko dyan
Student: Huwag ako ang sisihin ninyo. Si teacher ko kasi kulang ang binigay na lesson. Akalain mo ni isa sa mga questions sa board ay hindi man lang niya naituro.
Teacher: Ba't ako ang sisihin mo, ang hirap kasi sa inyo mga estudyante, spoon-feeding kayo. Gusto ninyo sinusubo lahat. Ni hindi nga kayo pumupunta sa library
Student: Palagi naman kasing wala si Teacher
Teacher: Owws... kayo nga ang gusto palaging walang klase eh. Mas nauuna pa nga kayo kesa memorandum
Student: At wala pa kaming sapat na laboratory.
Teacher: kung laboratory, huwag ako sisihin mo. Sisihin mo si Admin. walang suporta sa atin
Admin: Bakit ako? May binibili naman tayong mga lab equipment ah
Teacher: pero kulang
Admin: Kulang pa yon? halos naubos na pondo natin, kulang pa iyon?
Student: Paano ho ba naubos ang pondo, eh kulang naman ang lab namin?
Parent: Paano maubos, nagbayad naman kami ng 10k kada semester ah.
Admin: sampung libo? eh 5k lang naman sinisingal ko ah.
Parent: oh ito oh ang mga resibo. Acquaintance party, kickout party, pasiklaban party, field trip, intrams fee, society fee, LSG fee, fines.
Admin: hindi kami ang nagasingil nyan!
Parent: bakit may resibo? niloko mo ako anak ah.
Student: malay ko! katabi man nagabigay ng enrolment form yung nagasingil nyan. hindi nga kami makakuha ng forn kung hindi kami makabayad niyan eh. tapos di kami bigyan ng pre-clearance pag wala signature nila.
Admin: Basta kami wala kaming kinalaman dyan. Hinahayaan namin yang mga student orgs na iyan kasi kami naniniwala sa right to self-organization nila
Parent: Eh saan pala pumupunta yung 5k namin kung wala namang lab yung anak ko?
Admin: kung tutuusin kulang pa yan eh. Halos nahihirapan nga kaming sweldohan ang mga contractual namin eh. Tapos pinipilit pa kami ni Teacher na magpataas ng sweldo at bonus.
Teacher: karapatan namin yun!
Admin: kung kakulangan sa sweldo, huwag kami ang sisihin nyo. Kasalanan ni DBM yan. kinaltasan niya ang budget natin.
DBM: nanahimik ang tao, ginugulo niyo! Anong kinaltasan eh tinaasan ko pa nga ng 10% ang mga budget niyo eh.
Admin: tinaasan nga pero sinabihan nyo kaming taasan din sweldo ng mga permanent personnel namin. Eh di parang wala!
Parent at Alumni: Oo nga. Bakit ba kulang binibigay mo DBM sa kay Admin?
DBM: Hoy Parent at Alumni, magbayad kayo ng tamang buwis para may ipamigay kami kay Admin!
2 Chronicles 7:14 (NIV)
ReplyDelete14 If my people, who are called by My Name (YHWH), will humble themselves and pray and seek My face and turn from their wicked ways, then I will hear from heaven, and I will forgive their sin and will heal their land.
I strongly believe that this is the solution. :)