Ano nga ba ang tatak USM?
Ano ba ang katangian ng isang USM student? Ano ang kaibahan nya sa ibang mag-aaral sa ibang pamantasan? Bakit kaya maraming gustong mag-aral sa USM? Sa pagiging lasingero? O barkadista? O sa pagiging masunurin nito? O di kaya sa pagsusunog ng kilay (aray!!!) or sa paglalagay ng kilay?
Ano nga ba ang katangian ng isang USM alumnus? Kung makabangga mo kaya ang isa sa Makati o di kaya sa New York, masasabi mo bang USM graduate siya? Sa kanya kayang paglakad? Sa halakhak? o sa kanyang mga binti na sanay sa lakaran?
Ano nga ba ang katangian ng isang guro ng USM? May natutunan kaya ang isang mag-aaral ng USM na di matutunan nito sa ibang eskwela? Sa pagiging masungit kaya? o sa pagiging bungisngis? Ang guro kaya ng USM ay andyan palagi para sa mga estudyante? O di kaya nambubulyaw kung lapitan ito?
Ano nga ba ang USM? Ano ba ang kaibahan nito sa ibang pamantasan? Sa kakaibang disenyo ng gusali? Sa mga hardin sa gilid ng daan? O sa palikuran kayang ayaw mong mapagawi?
Hinanahanap ko ang diwa ng USM, matulungan nyo kaya akong mahanap ito?
Ano nga ba ang Tatak USM? Meron nga kaya?
No comments:
Post a Comment